Skip to main content

Posts

Three Birthday Cakes

Birthday ko, binati ako ni mama pero inignore ko. Kinabukasan, na-realize ko nga na birthday ko kahapon at gulat na gulat ako bakit hindi ko man lang naalala; kahit pa binati na ako ni mama. Buti na lang may tatlong cakes sa ref. Pero iba may ari nun tsaka messed up na yung icing. Pero pinagtyagaan ko para lang habulin yung celebration ng birthday ko. Nagising ako from this dream at sandaling napamuni-muni. Nalimutan ko ang birthday ko?! Buti may tatlong cakes sa ref?! Teka, hindi sa akin yung cake at leftover sya sa naunang celebration... I reflected on it. And it felt like it is an allegory of how I am feeling sometimes: that I am not special (I am not even special to my own eyes, kaya siguro sa dream, nalimutan ko ang sarili kong birthday); that I settle to other people's leftover not thinking that I can actually have my own, new and fresh. Na-realize ko, one cake that is baked FOR ME is way way better than three cakes that are left-over and that aren't for me. Bakit...
Recent posts

Kamote, Kamote, Kamote

Nakakapagod din pala kapag ikaw yung laging nagpapa-ubaya at umiintindi. Sa sobrang nakakapagod, gusto kong mag-mura, gusto ko mag-laho, gusto ko i-unknow ang mga tao. Bata pa lang ako, marami na nagsasabi na mabait ako. Mukha kasi akong "api." Hindi ako pumapatol. I was just letting people bully me, call me names, give me leftovers, and curse me. And I never asked for apologies. Nakalakihan ko na ata. Iniisip ko na maybe, I am really what they say I am: taga-bundok, bobo, o walang alam. I grew up with very low self-esteem; never trusting myself; always doubting what I am capable to do; never confident that I could really achieve something. Aside from all these, I am alone. I don't have anyone who will teach me life and its ways. I have to learn it the hard way every time; after a mistake or two, or more. Hindi madaling mabuhay sa mundo. People will always expect from you and at the same time criticize you when you fail. Ang gagaling ng mga tao, di ba? Ayoko na sa world. ...

My First Ever Bouquet of Flowers

Ilan na ang nadaanan kong (romantic) relationships. Yung isa nga dun, 8 and a half years. Pero never ako nakatanggap ng bouquet of flowers. Pag may mga babae akong nakikita na nakakatanggap ng bouquet of flowers, masaya ako para sa kanila kasi alam kong espesyal yun. But at the same time, hindi ko rin maiwasang malungkot para sa sarili ko. Iniisip ko, ako kaya kailan makakatanggap. Tuwing nadadaan ako sa may flowershop sa may megamall, napapatingin ako lagi sa mga bulaklak dun. Tas iniisip ko, sana mareceive ko na yung first ever bouquet ko. Iniisip ko pa kung sino kaya ang unang magbibigay sa'kin nun. Sabi ko pa nga, napaka-espesyal ng first bouquet na matatanggap ko. So ito na nga, my housemates prepared a birthday surprise for me. Yun ang best surprise na na-experience ko sa 27 birthdays ko. They gave me bouquet of flowers. Halos maiyak ang ate ko when she learned it was my first time to receive bouquet of flowers. She hugged me. Parang awang-awa. Ako naman, natutuwa sa gala...

"Good riddance."

Mahigit isang taon na din pala mula nung nagkabasag-basag ako. Ang bilis ng panahon. Kahapon, may lumapit sa akin. "Long time no see po!" bati ko. "Oo nga eh..." Tugon nya "Well, wala naman pong bagong ganap bukod sa mas masaya po ako ngayon." "Good riddance. 'Wag ka ng babalik dun." Hindi ko inexpect yung sinabi nya sa loob ng ilang segundo na batian namin. After that tuloy, napaisip ako kung saang nanggaling yung huli nyang sinabi. Sobrang sandali lang kami nag-usap pero malaki yung salitang binitawan niya. Siguro nga, good riddance. Tingin ko din naman. Marami ang nagbago sakin when it all happened. Sobrang dami. Tsaka ko na iisa-isahin pag mas may time akong magsulat dito sa blog. Most of the time pumupuslit lang ako ng oras para makapag-sulat dito. Hindi ko alam kung ano yung mga mangyayari pa, o may mga nangyayari na ba behind the scenes na hindi ko alam. Magtitiwala na lang ako kay Lord na alam nya lahat, mahal niya ako, at ...