Skip to main content

"Good riddance."

Mahigit isang taon na din pala mula nung nagkabasag-basag ako. Ang bilis ng panahon. Kahapon, may lumapit sa akin.

"Long time no see po!" bati ko.
"Oo nga eh..." Tugon nya
"Well, wala naman pong bagong ganap bukod sa mas masaya po ako ngayon."
"Good riddance. 'Wag ka ng babalik dun."

Hindi ko inexpect yung sinabi nya sa loob ng ilang segundo na batian namin. After that tuloy, napaisip ako kung saang nanggaling yung huli nyang sinabi. Sobrang sandali lang kami nag-usap pero malaki yung salitang binitawan niya.

Siguro nga, good riddance. Tingin ko din naman. Marami ang nagbago sakin when it all happened. Sobrang dami. Tsaka ko na iisa-isahin pag mas may time akong magsulat dito sa blog. Most of the time pumupuslit lang ako ng oras para makapag-sulat dito.

Hindi ko alam kung ano yung mga mangyayari pa, o may mga nangyayari na ba behind the scenes na hindi ko alam. Magtitiwala na lang ako kay Lord na alam nya lahat, mahal niya ako, at hawak niya ang buhay ako. Okay na ako na malaman 'to. Salamat, Lord.

So ayun, abangan natin ang mga susunod na kabanata ng buhay ko. Yung tipong ako na mismo ang magsasabi sa sarili ko ng "Good riddance, Ciela."

Comments

Popular posts from this blog

Three Birthday Cakes

Birthday ko, binati ako ni mama pero inignore ko. Kinabukasan, na-realize ko nga na birthday ko kahapon at gulat na gulat ako bakit hindi ko man lang naalala; kahit pa binati na ako ni mama. Buti na lang may tatlong cakes sa ref. Pero iba may ari nun tsaka messed up na yung icing. Pero pinagtyagaan ko para lang habulin yung celebration ng birthday ko. Nagising ako from this dream at sandaling napamuni-muni. Nalimutan ko ang birthday ko?! Buti may tatlong cakes sa ref?! Teka, hindi sa akin yung cake at leftover sya sa naunang celebration... I reflected on it. And it felt like it is an allegory of how I am feeling sometimes: that I am not special (I am not even special to my own eyes, kaya siguro sa dream, nalimutan ko ang sarili kong birthday); that I settle to other people's leftover not thinking that I can actually have my own, new and fresh. Na-realize ko, one cake that is baked FOR ME is way way better than three cakes that are left-over and that aren't for me. Bakit...