Ilan na ang nadaanan kong (romantic) relationships. Yung isa nga dun, 8 and a half years. Pero never ako nakatanggap ng bouquet of flowers. Pag may mga babae akong nakikita na nakakatanggap ng bouquet of flowers, masaya ako para sa kanila kasi alam kong espesyal yun. But at the same time, hindi ko rin maiwasang malungkot para sa sarili ko. Iniisip ko, ako kaya kailan makakatanggap. Tuwing nadadaan ako sa may flowershop sa may megamall, napapatingin ako lagi sa mga bulaklak dun. Tas iniisip ko, sana mareceive ko na yung first ever bouquet ko. Iniisip ko pa kung sino kaya ang unang magbibigay sa'kin nun. Sabi ko pa nga, napaka-espesyal ng first bouquet na matatanggap ko. So ito na nga, my housemates prepared a birthday surprise for me. Yun ang best surprise na na-experience ko sa 27 birthdays ko. They gave me bouquet of flowers. Halos maiyak ang ate ko when she learned it was my first time to receive bouquet of flowers. She hugged me. Parang awang-awa. Ako naman, natutuwa sa gala...
Mga bagay na hindi ko masabi.